^

Metro

2 tren ng LRT nagkasagian

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nayupi ang maliit na parte ng isang tren ng Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 1 makaraang ba­hag­­yang mabundol ng isa pang tren nang mawalan ng kontrol ang operator nito, kamakalawa ng hapon sa Balintawak, Quezon City.

Sa pahayag ng LRT Line 1, naganap ang aksidente dakong ala-1:26 ng hapon sa may Balintawak station na isa sa mga istasyon ng Line 1 North Extension project.

Nabatid na nag-overshoot umano ang “4-car fourth generation train” sa nakatakda nitong “stop mark” sa Balintawak station sanhi upang masanggi ang isa pang “1st generation train” na nakahinto sa naturang istasyon. Sanhi nito, bahagyang nayupi ang likurang bahagi ng nasanggi na tren.

Nilinaw naman sa PSN ni Cristina Cassion, tagapagsalita ng LRTA, na walang banggaan na nangyari at wala ring nasaktan na pasahero sa insidente. Iniimbestigahan na umano ang insidente sa kanilang Security and Safety Division.

Samantala, patuloy pa rin ang konstruksyon ng LRT North Extension mula Monumento hanggang West Avenue na nagka-aberya na sa orihinal na panahon ng pagbubukas at inaasahang magiging “fully operational” sa pagtatapos pa ng kasalukuyang taon.

BALINTAWAK

CRISTINA CASSION

INIIMBESTIGAHAN

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MONUMENTO

NABATID

NORTH EXTENSION

QUEZON CITY

SECURITY AND SAFETY DIVISION

WEST AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with