^

Metro

Snatcher-killer ng seaman, dedo sa pulis

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang nadakip na snatcher-killer ng isang sea­man matapos mang-agaw ng baril sa kanyang police escort habang pa­tungo sa inquest proceedings kamakalawa ng gabi.

Dalawang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng suspect na si Ronald Se­villa, alyas “Bunso,” resi­dente ng Unit 112 Building 4, Safari Building, Paco habang ginagamot sa Phi­lip­pine General Hospital (UP) dakong alas-10:30 ng gabi, kamakalawa.

Si Sevilla ay una nang inulat na inaresto ng Manila Police District-Station 6 dahil sa pagkakasangkot umano sa kaguluhan sa ka­nilang lugar at na­be­ripika na may mga re­kord na snatching at robbery. Doon din natukoy na ka­bilang ito sa riding in tandem na nang-agaw sa ku­win­­tas at pumaslang sa isang seaman na kinila­lang Edralin Amon, malapit sa tinutuluyan nito sa Singa­long, Malate noong Hunyo 17.

Ang kri­men ay nai­re­kord ng closed circuit television (CCTV), kung saan po­ si­tibo itong kinilala ng isang tes­tigo at nag­ka­tugma rin ang hit­sura umano nito at kasu­otan sa gunman na nasa foot­age.

Sa ulat kahapon ni Det. Joseph Kabigting, nasa pa­gitan ng alas-5 hanggang 6:00 ng hapon nang mag­ka­roon umano ng agawan ng baril sa loob ng service car ng MPD-Homicide kung saan escort sina Det. Gerry Amores, Det. Jo­nathan Ruiz at  Det. Erwin Castro, habang bina­bagtas ang San Marcelino sts., sa Ermita. Nagawa umanong barilin ni Det. Ruiz si Sevilla na nag­tangkang tumakas.

Si Amores umano ang nagmaneho ng service police car na Toyota Revo, katabi nito si Ruiz habang si Sevilla naman ay katabi ni Castro sa passenger seat.

Nagawa umanong da­ganan ni Sevilla si Cas­tro at tangkaing agawan ng baril kaya binaril na ni Ruiz ang suspect.

Sa naging pahayag naman ng ina ni Sevilla na si Aling Cora naniniwala siya na pina­tay ang anak niya ng mga pulis. Sinabi pa ni Aling Cora Sevilla na noong Martes (Hunyo 22) ay kinuha ng mga tauhan ni MPD-Station 6 ang kan­yang anak at nagulat sila nang akusahan na suspek ito sa pagpatay sa nabang­git na seaman.

Naroon umano siya sa Homicide Section noong Miyer­kules ng hapon at dahil sa pagkainip sa tagal ng pag­hihintay, sinabihan siya na mag­hintay-hin­tay lamang dahil ini-inquest ang anak niya.

Tinawagan niya ang mister niya upang alamin sa Manila City Hall kung naroon ang anak, sinabi umano ng mister niya na wala doon at hindi na-inquest kaya natakot siya at sinabihan niya ang mga pulis na huwag isa-salvage ang kanyang anak.

Nilinaw din ng ina ni Sevilla na totoong nasang­kot ang anak sa snatching subalit taong 2000 pa umano iyon.

ALING CORA

ALING CORA SEVILLA

EDRALIN AMON

ERWIN CASTRO

GENERAL HOSPITAL

GERRY AMORES

HOMICIDE SECTION

RUIZ

SEVILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with