12-anyos kinakadena ng amain, nasagip
MANILA, Philippines - Matinding kalbaryo ang dinanas ng isang 12-anyos na totoy matapos itong mistulang gawing aso at kadenahan ang leeg ng kanyang stepfather na isang dating sundalo kamakalawa sa Caloocan City. Nadakip at nahaharap sa kasong child abuse ang suspect na si Julie Biasora, 34, dating sundalo na ngayon ay panadero ng Kadiwa St., Maypajo ng lungsod na ito. Ang biktima ay itinago sa pangalang Arnold, nakatira sa nabanggit na lugar ay sinasabing noong nakalipas pang Abril dumaranas nang pagmamaltrato sa amain.Sa nasabing buwan sinimulan na itong ikadena ng suspect tuwing aalis ang suspect sa bahay. Ang naturang kalagayan ng biktima ay natuklasan lamang kahapon. Nabatid na isang kapitbahay ang nakakita sa ginagawa ng suspek sa biktima, na naging dahilan upang isumbong ito sa barangay. Dakong alas-4:00 ng hapon, pinuntuhan ng mga tanod ang nasabing bahay at doon nga inabutan ang biktima na nakakadena sa leeg. Agad na kinalag ang kadena at dinakip ang suspek kung saan ginawang dahilan ni Biasora na kaya lamang niya ito ginagawa sa bata ay para hindi ito gumala.
- Latest
- Trending