216 armas nabawi ng Quezon City police
MANILA, Philippines - May kabuuang 216 na armas na hindi na ibinalik o isinuko ng mga pulis na sinibak sa tungkulin o di kaya ay nailipat sa ibang kagawaran ang nabawi na ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD), ayon kay QCPD director, Chief Superintendent Benjardi Mantele kahapon.
Tinawag ni Mantele na “Oplan Bawi” ito ay naglalayong makuhang muli ng pamunuan ng QCPD Logistics Division (DLD) and Supply Accountable Office (SAO) ang mga armas mula sa mga pulis na sinibak sa serbisyo, o nalagay sa Absence Without Official Leave (AWOL), nailipat sa ibang lungsod o kaya ay nagretiro na sa serbisyo.
Dagdag ni Mantele, simula 2008 nang makuha nila ang nasabing bilang na armas at ngayon ay nakalagak na sa kanilang supply office.
Sinasabing nagsasagawa ng annual logistics inspection at physical accounting ang PNP at QCPD sa mga ari-arian ng kagawaran para sa inventory ng lahat ng armas at mga mobility assets.
- Latest
- Trending