Kelot dedo sa kantang 'Nobody'

MANILA, Philippines - Posibleng nakainisan ng isang grupo ng kalalakihan ang isang 32-anyos dahil sa sariling version umano ng pa­mosong Korean song na “No­body” kaya sinaksak ito sa bunganga at leeg, na siyang ikinasawi nito sa loob ng isang videoke bar, sa Ermita, May­nila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Manila Doctor’s Hospital ang bikti­mang si Michael Viray, resi­dente ng  Phase 30, Lot 6, Das­mariñas, Cavite.

Sa ulat ni Det. Jay Santos ng Manila Police District-Ho­mi­cide Section, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Ben­son’s  Place video­ke bar na nasa panulu­kan ng  Guerrero St., at UN Ave., Ermita.

Ayon pa sa ulat, halos mag­kakasabay na nagkakan­tahan ang grupo ng mga sus­pect at ang grupo ng biktima habang umiinom sa magka­hiwalay na lamesa sa bar.

Dahil sa naiiba umano ang tono sa pagkanta ng biktima ng popular na “Nobody”, nag­ka­initan ang mga ito nang pa­tigilin ng mga suspect sa pag­kanta ang una.

Namagitan umano ang mga empleyado ng bar at pinayu­hang ang dalawang grupo na lisanin ang bar dahil ayaw nila ng gulo.Lumabas ang mga suspect gayunman nanatiling nagkakantahan ang grupo ng biktima.

Habang nasa labas uma­no ang mga suspect, isa ang humila sa biktima sa kabila ng nakapagitang gate na bakal at nagawang saksa­kin ito sa bunganga at leeg ng isa sa mga suspect saka nag­si­pulasan.

Show comments