2 American pedophiles ipinatapon ng BI
MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Immigration Commis sioner Marcelino Libanan ang pag-aresto at pag deport sa dalawang American pedophiles na matagal nang pinaghahanap sa kanilang bansa.
Sa bisa ng warrant of deportation na inisyu ni Libanan, kinilala ng mga elemento ng BI-Interpol sa pangunguna ni Floro Balato Jr. ang naarestong suspek na si Jeffrey Dana Pounders, 49; at Kenneth James Sweeney, 69.
Si Sweeney ay pinatapon palabas ng bansa noong Hunyo 16 sakay ng Continental Airlines flight sa Guam at papuntang US mainland kung saan ito may kakaharaping kasong child pornography at sangkot sa illicit sexual conduct sa US district court sa Florida.
Samantalang nakatakda namang i-deport si Pounders bukas Hunyo 23 kung saan ito mayroong arrest warrant sa grand jury sa Jefferson County, Alabama dahil sa kasong child molestation.
Kaagad nag-isyu ang BI board of commissioners ng summary deportation laban kina Pounders at Sweeney matapos na ipaalam ng US State Department na pinawalang-bisa na ang kanilang pasaporte kayat maituturing na undocumented aliens na ang mga ito.
Lumalabas sa record na nakaaresto na ang BI-Interpol ng 20 American fugitives simula noong 2009.
- Latest
- Trending