^

Metro

DepEd chief kinasuhan sa sex education

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng class suit sa Quezon City Prosecutor’s Office sina Department of Education Secretary Mona Valisno at Undersecretary Ramon Bacani  ng mga ma­gu­lang at mga pro-life mem­bers kaugnay ng pagsasama ng ahen­siya sa curriculum ng mga mag aaral ang sex edu­cation.

Ang kaso ay sinampa sa pangunguna nina Atty. Jo Imbong at James Imbong ng Pro Life group  na humihiling sa korte na maipatigil nito ang  pagtuturo ng sex education sa  mga paaralan.

Anila, nagulat sila nang ang pattern sa western mo­dule hinggil sa popula­tion control at family planning  ay mula sa module ng Esta­dos Unidos  at ito ang isinama sa  subject na Math, Science, English, Health Education  at liveli­hood  gayundin sa  Araling Pan­lipunan na  may malaking psychological effect sa mga mag-aaral.

Idinagdag pa nila na ang bagay na ito  ay labag sa primary rights ng mga ma­gulang sa pagtuturo  at pag­hubog sa moralidad at karak­ter ng kanilang mga anak.

Mas mainam anilang wag na lamang isama ang sex education sa curriculum ng mga mag-aaral  dahil  ito ay hindi na  kailangang maipali­wanag sa mga kabataang estudyante dahil sa murang isip ng mga ito.

Sa ngayon, mula grade 5 hanggang grade 6  at high school sa private at public schools  ay kasama sa ka­nilang kurikulum ang tungkol sa sex education.

Samantala, dahil nasa korte na umano ang usapin sa pagpapatupad ng DepEd sa sex education, iginiit kahapon ni Senator Francis “Chiz” Es­cu­dero na dapat na lamang hin­tayin kung ano ang magi­ging desisyon tungkol sa nasabing isyu.

Bagaman at hindi pabor si Escudero sa naging hakbang ng mga petitioners na dalhin pa sa korte ang usapin, kara­patan naman aniya ng lahat na kuwestiyonin ang sa tingin nila ay maling polisiya ng gobyerno.

Naniniwala si Escudero na may pangangailangan upang bigyan ng tamang edukasyon tungkol sa sex ang mga ka­bataan bagaman at marami ang tutol dito kabilang na ang Simbahan. (Dagdag ulat ni Malou Escudero)

ARALING PAN

DEPARTMENT OF EDUCATION SECRETARY MONA VALISNO

HEALTH EDUCATION

JAMES IMBONG

JO IMBONG

MALOU ESCUDERO

PRO LIFE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with