GF, inatado ng nobyo
MANILA, Philippines - Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang babae nang matagpuan sa loob ng isang apartelle ilang oras matapos na mag-check-in kasama ang isang lalaki na hinihinalang nobyo nito kahapon ng umaga sa Cubao, Quezon City.
Sa pamamagitan ng identification card nakilala ni PO2 Merardo Pulanco ang biktima sa pangalang Rosemarie Haboc.
Ayon sa imbestigasyon, nadiskubre ng roomboy na si Joseph Herrera ang bangkay ng bikitima matapos na iwan ng kasama nitong nakilala sa alyas na “Allan” sa kanyang kuwarto sa Guess apartelle na matatagpuan sa 6 Westpoint Brgy. E Rodriguez, Cubao .
Sinabi ni Pulanco, bago ang insidente nag-check-in umano ang biktima at si “Allan” sa nasabing apartelle at makalipas ang halos dalawang oras sa loob ay lumabas ang huli at nagpa-alam na aalis na.
Giit pa ni Pulanco, sinabi ni “Allan” sa kahera na susunod na ang biktima subalit makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin lumabas ang huli na naging dahilan upang puntahan ang kuwarto.
Gamit ang duplicate key, binuksan ng kahera ang kuwarto at tumambad sa kanila ang katawan ng biktima na nakabalot sa kumot na may bakas ng dugo.
Ayon pa kay Pulanco, sinabi ng katabing kuwarto ng biktima na may narinig silang nag-aaway mula dito bago nangyari ang insidente, pero dahil pribado ito ay hindi sila nakialam.
- Latest
- Trending