Rape slay suspect sumuko

MANILA, Philippines - Dala ng takot, isang rape slay suspect ang sumuko sa mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ka­makalawa.

Si Rodel Alindahao ang pangunahing suspect sa panggagahasa at pagpatay kay Cristia Masbaño, 33, ng LPP junk­­­shop na matatag­puan sa no. 213 Banlat Road, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod noong Huwe­bes ng alas-5 ng umaga.

Ayon kay Alindahao, natakot siyang ikulong ang kanyang kapatid kung kaya nagpasya na siyang sumuko sa mga awtoridad.

Matatandaang si Mas­baño ay natagpuan ng kanyang kasamahan sa trabaho na si Jerry Sumbrano na naliligo sa sarili nitong dugo ma­tapos na paluin ng ma­tigas na bagay sa ulo. Wala ring saplot pang-ibaba ang biktima.

Sa panayam kay Alindahao, bagamat inamin nito na pinukpok niya ng martilyo ang biktima, sinabi din nito na aksidente ang nang­yari dahil ayaw umano siyang pala­basin ng kuwarto ng biktima.

Matapos ang pang­yayari ay agad siyang tumakas at nagpunta sa may barkada niya sa Bulacan para magtago hanggang sa mabali­taan nito na huhulihin ng mga pulis ang kanyang kapatid na walang alam sa kanyang kasalanan.

Show comments