^

Metro

Van hinayjak, suspects naka-PNP uniform

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang van na nagla­laman ng ibat ibang produkto na aabot sa P743,000 ang hinay­jack ng limang arma­dong kalalakihan kung saan dalawa dito ang naka-PNP uniform sa lungsod Quezon.

Ang hijacking ay nabatid matapos na iturn-over sa Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police (CIDU) ng Cavite PNP ang mga biktima na sina Leo Latombo, 36, driver at mga helper na sina Marvin Latombo, 29 at Alfred Galvez, 20, pa­wang mga emple­yado ng Jobegle Enterprises sa Town and Executive Village, Antipolo City.

Ayon sa mga bik­tima, nakatakda sana nilang ideliver sa SM Fair­view ang mga na­turang produkto nang harangin sila sa kaha­baan ng Regalado Ave. dakong alas-10 ng uma­ga ng dalawa sa mga suspect na nakasuot ng uniporme ng pulis para inspeksiyunin ang ka­nilang kargamento.

Subalit pagkababa ng van ay agad na si­nalya at tinutukan ng baril ng dalawa si Leo at isinakay sa isang Toyota Revo na walang plaka kasama sina Marvin at Galvez. Pini­ringan ng packaging tape ang mga mata ng biktima.

Dito ay mabilis na tinangay ng limang armadong kalalakihan ang kanilang Isuzu Forward wing van (WTP-149) na naglalaman ng produkto ng Unilever na nagkakahalaga ng P743,080.

Ayon sa mga bik­tima, naramdaman na lang nilang tumakbo ang kanilang sasakyan hanggang sa ilang oras ang lumipas ay huminto ito at ibinaba sila sa isang lugar sa Carmona Cavite. Habang ang ka­nilang van ay tina­ngay na ng mga suspect.

Agad na humingi ng tulong ang mga biktima sa pulis ng Cavite.

vuukle comment

ALFRED GALVEZ

ANTIPOLO CITY

AYON

CARMONA CAVITE

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

ISUZU FORWARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with