^

Metro

Panibagong job fair sa Quezon City

-

MANILA, Philippines - Magsasagawa muli ng job fair ang pamahalaang lung­sod ng Quezon upang maib­san ang dumaraming bilang ng walang trabaho sa lungsod.

Ang job fair na gaganapin sa Hunyo 25 (Biyernes) sa QC Hall grounds na magbibigay ng trabahong local at over­seas ay inaasahang maka­pag­bibigay ng tiyak na hanap­buhay sa mga residente ng siyudad, partikular sa mahi­hirap.

Ang programang pangha­napbuhay ng lungsod ay bahagi ng patuloy na pag­nanais ng administrasyon ni Mayor Feliciano Belmonte Jr. na mabigyan ng maayos na mapagkakakitaan ang mga mamamayan ng Quezon City lalo na ang maralita.

Inaasahang 40 lokal na korporasyon ang lalahok sa job fair kabilang na ang limang call center at 10 overseas recruitment agency, ayon kay Carlo Magno Abella, hepe ng Public Employment and Service Office (PESO) sa QC.

Ayon kay Fabella, inaasa­hang dadagsain ang job fair ng mahigit 2,500 aplikante mula sa iba’t ibang sektor ng siyudad.

Para sa local na trabaho, kasama ang Rustan’s, Toyota, Puregold, KFC, Henlin Foods, Wilcon Builders, Mang Inasal Chicken House, Tropical Hut at iba pang makikilahok.

Pinapayuhan ni Abella ang mga aplikante na magdala ng kaukulang dokumento upang mapadali ang pagpoproseso ng kanilang aplikasyon. Ka­bilang sa kakailanganin ang bio-data/resumé, ID photos, school records, SSS number at NBI at Barangay clearance.

Makikiisa sa trade fair ang TESDA, task Force Sikap-Buhay ng QC Hall, Nego-Eskuwela at SB Nego-Tech.

Sa ilalim ng administras­yong Belmonte, mahigit 75,000 residente ng lungsod ang nabiyayaan ng pro­gra­mang panghanapbuhay ng lungsod.

Sa kabuuan, aabot sa 74,028 na indibidwal ang nagkaroon ng lokal na hanap­buhay sa pamamagitan ng job fair na regular na ginagawa sa QC Hall at sa mga barangay ng lungsod.

vuukle comment

CARLO MAGNO ABELLA

FORCE SIKAP-BUHAY

HENLIN FOODS

MANG INASAL CHICKEN HOUSE

MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

PUBLIC EMPLOYMENT AND SERVICE OFFICE

QUEZON CITY

SHY

TROPICAL HUT

WILCON BUILDERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with