MANILA, Philippines - Isang lalaki ang namatay makaraang burdahan ng saksak ng hindi pa kilalang suspek sa isang tulay kahapon sa Quezon City.
Isinalarawan lamang ang biktima na nasa gulang 30-35 anyos, may taas na 5’1”-5’3”, kayumanggi, katamtaman ang pangangatawan, may tribal tattoo sa kaliwang braso, naka-t-shirt na asul, naka-orange na jogging pants at pulang underwear.
Sa paunang pagsisiyasat ni PO2 Joy Marcelo ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa footbridge na nasa tapat ng Gotesco Mall na matatagpuan sa Commonwealth Ave. Brgy. Old Balara sa lungsod.
Napag-alamang naglalakad lamang ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at saka inundayan ito ng mga saksak sa katawan.
Isinugod naman sa General Malvar Hospital ang biktima pero idineklara na siyang patay. Hanggang sa kasalukuyan, blanko pa rin ang mga awtoridad kung sino ang suspek at ano ang naging motibo sa pama maslang sa biktima.