Prexy ng drivers association, dinedo
MANILA, Philippines - Patay ang presidente ng jeepney drivers association matapos barilin ng isa sa tatlong hindi pa nakikilalang lalaki sa loob ng pampasaherong jeep sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang sentido si Santiago Bautista, 49, presidente ng Monumento-Polo Drivers Association at residente ng Remigio St., Brgy. Maysilo ng lungsod na ito.
Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas-7:15 ng gabi, kasakay ng biktima ang mga suspek sa pampasaherong jeep na minamaneho ni Federico Marcos at pagsapit sa M. H. del Pilar, Tenejeros ng lungsod na ito ay isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at ipinutok nang malapitan kay Bautista.
Inaalam na ng mga pulis kung may kaugnayan sa pagiging presidente ng biktima ang ginawang pagpatay dito.
- Latest
- Trending