^

Metro

Truckers, taxi operators suportado si Mendoza sa LTO

-

MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng administrasyon ni President-elect Noynoy Aquino, sinuportahan naman ng organisasyon ng mga truckers at taxi sa buong bansa si Congressman Vigor Mendoza bilang hepe ng Land Transportation Office (LTO) .

Ayon sa  Confederation of Truckers Association of the Philip-pines (CTAP) ang kanilang pag-eendorso kay Mendoza bilang hepe ng  LTO ay dahil sa kanyang  track record na pagba-bago sa sector ng land transport.

Sinabi ni Ret. Col. Rudy de Ocampo, Chairman ng CTAP , isa sa pinakamalaking trucking organizations sa bansa, malaki ang paniniwala niya na mauunawaan at alam ni Mendoza ang mga nararapat na solusyon para matugunan ang mga suliranin sa land transport industry.

Kasabay nito, inendorso din ng Association of Metro Manila Taxi Operators (ATOMM)  ang appointment ni Mendoza bilang LTO chief.

Sa naging pahayag ni ATOMM President Leonora Naval, naka-trabaho na nila si Mendoza sa mga usapin na kinakaharap ng mga taxi operators sa buong bansa at alam nito ang panga-ngailangan ng mga ordinaryong driver at transport worker.

Si Mendoza ay  Chairman ng United Transport Koalisyon or 1-Utak, pinakamalaking public transport organization sa bansa at naihalal bilang kinatawan ng Party List group  sa 14th Congress.

Isinusulong nito ang reporma sa transport sector at naka-paghain na ng ilang  reform bills  sa Kongreso kabilang ang Unified Ticketing System, Opening of Retail Trade   of the Oil Market at Creation of a Traffic Courts System.

ASSOCIATION OF METRO MANILA TAXI OPERATORS

CONFEDERATION OF TRUCKERS ASSOCIATION OF THE PHILIP

CONGRESSMAN VIGOR MENDOZA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MENDOZA

NOYNOY AQUINO

PARTY LIST

PRESIDENT LEONORA NAVAL

SI MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with