Sanggol sa balde, natagpuan

MANILA, Philippines - Natagpuan ang isang ba-gong silang na sanggol na lalaki na nakasilid sa isang balde sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Sa report ng pulisya, alas-6 ng umaga nang makita ang sanggol sa bakanteng lote sa kahabaan ng  Jaguar St., Brix-ton-ville Subd., Camarin ng lung-sod na ito.

Nabatid na isang hindi na-kilalang basurero ang nakakita sa isang baldeng plastic sa bakanteng lote. Dahil pakikina-bangan ay kinuha niya ito   at nang buksan ay laking gulat nito nang makitang patay na sang-gol ang laman. Agad niya itong ipinagbigay-alam sa pulisya.

Show comments