MANILA, Philippines - Nalambat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na pina-niniwalaang miyembro ng malaking sindikato sa internet investment scam na bumi-bik-tima ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga Ameri-kano sa isinagawang operas-yon, sa ulat kahapon.
Kinilala ni NBI Director Nestor Mantaring ang suspect na si Henry James Banayat, na may patung-patong na arrest warrants mula sa iba’t ibang korte, na kinabibilangan ng mga kasong illegal recruitment, bouncing checks, falsification of private document at estafa.
Nabatid na taong 2006 pa ay pinaghahanap na siya ng Inter-pol thru Anti-Money Laun-dering Council (AMLAC).
Modus-operandi umano ng suspect na mangumbinse ng mga investors na OFWs at American nationals dito at sa labas ng bansa, gamit ang Compumatrix and Net-works Interactive Inc., isang kom--pan-yang nakarehistro sa Pilipinas na nakabase sa San Fernando City, La Union.
Ang mga kumakagat sa investments ay inuutusan uma-nong i-remit ang salaping invest-ment sa bank account na binuksan ng sindikato.
Nagmimintine din ng web-site na www.pointsharex-treme.com ang sindikato na nag-aalok sa bawat foreign based-investor subscriber ng Pointshare Plans sa presyong mas mababa sa US $100, na kanilang account sa mga banko.
Sa website ni Banayat, hini-himok niya na maaaring mag-pa-advertise doon ang investors at produkto nila sa investment lamang na US$100 na may katapat pang dividend share na US$200 para sa bawat unit ng pointshare 100 plan kaya’t kung mas malaki ang investments ay mas malaki din ang kikitaing dividend ng remitter. Nagtago umano ang sus-pect at lumutang gamit ang ibang kompanya na Riches-states Consultancy Company Ltd. Kung saan tar-get na naman ng scam niya ang Real Estate Business.
Dinakip ang suspect sa bisa ng warrant of arrest sa loob ng isang banko sa Pasay para sa panibago niyang ka-transak-syon.