MANILA, Philippines - Walong tama ng bala ang tinamo ng isang miyembro ng Philippine National Police-Head-quarters Support Services na ikinasawi nito makara-ang tambangan ng isang naka-motor-siklong lalaki sa tapat ng kaniyang electronic shop sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Metropolitan Medical Center ang biktimang si PO1 Robin “Buboy” De Guzman, 29 anyos, nakatalaga sa PNP-HSS sa Camp Crame Quezon City at residente ng Ronquillo St., Quiapo, Maynila.
Hindi pa tukoy ang pagkilanlan ng suspect na tumakas sakay ng motorsiklo.
Sa imbestigasyon ni Det. Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas- 7:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Electronic Store ng biktima sa Ronquillo St., Quiapo.
Nabatid na kausap lamang ng biktima ang isa sa kaniyang store helper na si Leonard Espinosa habang hinihintay ang isa nilang kostumer na pi-pick up ng order nitong videoke nang lumapit ang suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ng ilang ulit ang pulis at pagkatapos ay mabilis itong tumakas.
Sa naging pahayag ni Maristel Lim, live-in partner ng biktima, noong pang buwan ng Mayo ay nakatanggap ng death threats ang nasawi sa cellphone na nagsasabing bilang na umano ang araw nito.
Sa pahayag ni C/Insp Erwin Margarejo, hepe ng homicide section, kabilang sa anggulong tinu-tutukan ay ang ‘love triangle’ sa pagitan ng biktima at manliligaw ng kanyang live-in partner.
Nabatid na may reklamong inihain ang isang anak ng dating barangay chairman na di pina-ngalanan sa biktima matapos sitahin umano ng huli ang panliligaw ng una sa ka-live in ng pulis.
“Tingin ng biktima na nakakalalaki ang gina-gawang panliligaw ng anak ng chairman kaya hinaha-harras umano siya ni De Guzman,” ani Margarejo.
Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon kung may kinalaman ang anggulong love triangle sa kaso o may kaugnayan sa trabaho nito bilang pulis.