^

Metro

Killer rider, 2 inutas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang binata ang nasawi makaraang pagbaba­rilin ng riding in tandem sa lungsod ng Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Dead-on-the-spot ang bik­ti­mang si Roberto Villanueva Jr., 19, binata ng Tabigo St., Brgy. Commonwealth sa lung­sod. Samantalang nasawi naman habang isinusugod sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa likod na naglagos sa dibdib si James Rosillosa, 17, binata, residente rin sa nasabing lugar.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspect dahil mabilis din umanong tumakas ang mga ito sakay ng walang plakang motorsiklo.

Sa ulat ni PO2 Norman Margallo, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Maago St., corner Castillo St., Brgy. Common­wealth ganap na alas-11:20 ng gabi.

Bago ito, nakaistambay umano ang mga biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang isang motor­siklo at paputukan ang mga una. Sa pinakawalang putok ng mga suspect ay agad na tinamaan sa ulo si Villanueva habang si Rosillosa ay na­gawa pang makatakbo ng ilang hakbang mula dito pero hinabol siya ng mga suspect at binaril din.

Ayon kay Aling Maricar, residente sa lugar, nasa loob siya ng kanyang bahay nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa labas. Agad siyang luma­bas at dito ay nakita niya ang dalawang biktima na duguang nakahandusay sa nasabing lugar.

Mabilis niyang ipinagbigay alam ang nakita sa barangay opisyal sa lugar kung saan nabatid na patay na si Villa­nueva, habang si Rosillosa naman ay isinugod pa ng mga barangay tanod sa EAMC hospital ngunit idineklara din itong patay.

Ayon sa ilang saksi, nakita nila ang dalawang kalalakihan sakay ng isang motorsiklo na papalayo sa lugar matapos ang nasabing putukan.

ALING MARICAR

AYON

BRGY

CASTILLO ST.

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JAMES ROSILLOSA

MAAGO ST.

NORMAN MARGALLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with