^

Metro

Shootout: 2 holdaper todas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawa sa apat na holdaper ang nasawi, habang arestado naman ang isang binatilyong kasamahan nito matapos maki-pag-palitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Quezon City po-lice ilang minuto makaraang pa-sukin at holdapin ng mga ito ang isang internet shop, kama-kalawa ng gabi.

Dahil walang pagkakakilan-lan isinalarawan lamang ang isa na nasa edad 30-35, may taas na 5’5’’, barber’s cut ang tabas ng buhok, nakasuot ng puting t-shirt at maong pants; habang ang isa naman ay nasa edad na 25-30, may taas na 5’2’’, naka-suot ng itim na t-shirt at beige na short pants.

Arestado ang isa nilang ka-samahan na kinilalang si Wen-del Rediana o Bitoy, 17, ng Brgy. Holy Spirit, habang naka-takas naman ang isa pa sa mga ito.

Personal namang kinilala ang mga nasawing suspect ng ka-nilang mga nabiktima na sina Jayson Santos, 16; Rodessa Mon-tejo, 19; at  Lemuel Na-varro, 30; pawang mga resi-dente sa lugar.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Manuelito Juanson, ng CIDU, nang-yari ang encounter sa may Sampaguita Avenue, Mapa-yapa 3, Brgy. Pasong Tamo ganap na alas- 9:45 ng gabi.

Bago ito, ayon sa mga bik-tima, kasalukuyang busy sila sa pag-iinternet sa loob ng Rod Jean computer shop and inter-net café sa may Unit 4, G @ T Bldg., sa naturang lugar nang dumating ang apat na suspect at nagkunwaring mga kostumer. Pagpasok sa loob, bigla na lamang umanong nagbunot ng baril ang isa sa mga ito, sabay deklara ng holdap.

Kinuha ng mga suspects ang cellphones at pera ng mga biktima, saka ang kinita ng internet shop na halagang P1,800 at DVD/CD radio cas-sette at pagkatapos ay nagsi-labasan na.

Subalit bago tuluyang tuma-kas, isa sa mga suspect ang nagpaputok pa ng kanyang baril na nagbigay atensyon naman sa nagpapatrolyang tropa ng District Police Intelligence and Operation Unit (DPIOU) at Anti-Carnapping Unit ng QCPD sa lugar sakay ng kanilang mobile patrol car. Dito na sila sinita ng mga pulis at imbes na sumuko ay pina-putukan pa ang mga pulis. Dahil dito napilitan ang pulisya na gumanti ng putok na ikina-tama at ikinasawi ng dalawa sa mga ito.

Sa piitan, inamin ni Bitoy na kasamahan niya ang napatay at kaya lang nila nagawang mang-holdap ay dahil birthday niya at ang makukuha nila dito ay gagamitin sana nila sa naturang okasyon.

vuukle comment

ANTI-CARNAPPING UNIT

BITOY

BRGY

DAHIL

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE AND OPERATION UNIT

HOLY SPIRIT

JAYSON SANTOS

LEMUEL NA

MANUELITO JUANSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with