^

Metro

Mag asawang Fernando nag goodbye na sa politika

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tuluyan ng nag-goodbye na kahapon ang mag-asa­wang Bayani at Ma. Lourdes Fernando sa paghawak sa pulitika sa Marikina City ma­karaan ang halos dalawang dekadang pagpapalitan bilang alkalde ng lungsod.

Opisyal na nagpalaam na kahapon si Mayor Fernando sa mga pinuno ng barangay, departamento, paaralan at iba pang mga opisyales ng lung­sod. Inihayag nito na wala na siyang balak at maging ang esposo na si dating Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando na bumalik sa politika sa lungsod at kapwa opisyal nang magre­retiro.

“Definitely wala na kaming balak na bumalik, babalik kami bilang mga private citi­zen. Pero kung ano ang ma­itu­­tulong natin sa lungsod gagawin pa rin namin,” ani Fernando.

Tulad naman ng pagba­bagong kulay ng MMDA mula sa rosas patungo sa berde, sinabi ni Fernando na tanggap rin niya kung burahin rin ang kulay na rosas sa Marikina kung saan dito ito nag-umpisa at palitan ng susunod na administrasyon depende sa nais nitong kulay ng pintura.

Nanawagan naman si Fernando sa papalit na admi­nistrasyon sa lungsod na sana’y ipagpatuloy ang mga magaganda nilang proyek­tong mag-asawa at magtipid sa pondo buhat sa P1 bilyong iiwan niya sa kaban ng lung­sod. Sinabi nito na kung tingin ng bagong adminis­trasyon ay kulang ito ay nararapat lamang na mag­tipid.

BAYANI

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

FERNANDO

INIHAYAG

LOURDES FERNANDO

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MARIKINA CITY

MAYOR FERNANDO

NANAWAGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with