2 holdaper utas sa Pasay shootout

MANILA, Philippines - Eksaktong sa tapat ng se­menteryo bumulagta ang dalawang kilabot na hol­daper makaraang mabistay ng bala sa pakikipagbarilan laban sa mga tauhan ng Pasay City police kamaka­lawa ng gabi sa naturang lungsod.

Namatay kaagad sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan si Ruben Pag­takhan Jr., 30-anyos, ng   Venta­nilla St., ng naturang lung­sod. Nasawi naman sa loob ng Pasay City General Hospital ang kan­yang ka­samang si Xyrus Sar­mien­to, 30, ng   J. Luna St.

Sa ulat ng pulisya, nag­sa­sagawa ng checkpoint ang pulisya dakong alas-10:45 ng gabi sa kahabaan ng Arnaiz Avenue nang masita ang motorsiklong (2084-PN) lulan ang dala­wang suspek. Tangka uma­­nong magbunot ng baril ng dalawa nang ma­unahan ng mga tauhan ng Special Wea­ pons and Tactics (SWAT).

Sa rekord ng pulisya, naha­­harap ang dalawa sa patung-patong na kaso ng panghoholdap na karani­wang isinasagawa sa fly-over sa Roxas Boulevard malapit sa gusali ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Napag-alaman na pin­sang-buo ni Pagtakhan ang isa pang wanted sa pulisya na si Jennis Bravo Pagtakhan, alyas “Snake” na lider ng isang notoryus na sindikato at  sangkot din sa mga kasong murder, carnapping at robbery na matagal ng tinutugis ng pulisya.

Show comments