Paralitiko tepok sa sunog

MANILA, Philippines - Kasamang nasunog ng kanilang  bahay ang isang paralitiko sa Caloocan City kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Rolando Viduya, 48,  ng Labahita, Dagat-dagatan ng lungsod na ito. Sugatan din sa insidente ang mga kaanak ng nasawi na sina Ariel Gonido, 31; asawang si Rowena, 29; Raffy Viduya at Rommel Gerilla.

Sa report ng pulisya, alas -5 ng hapon ng magsimula ang sunog dahil lamang umano sa paglalaro ng posporo ng ilang paslit sa naturang lugar. Agad na kumalat sa mga katabing bahay ang sunog kung saan hindi na nakalabas ng bahay ang nasawi.

Tumagal ng isang oras ang sunog kung saan aabot sa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Show comments