^

Metro

Operasyon ng LRT 1 naantala

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Naantala ang normal na operasyon ng  line 1 ng Light Rail Transit (LRT) nang hindi sumara ang pintuan ng isang train sa Tayuman Station na naging sanhi ng  pagka-stranded ng mga pasahero  kahapon ng umaga.

Ayon kay Kristina Casion, hepe ng public information office ng Light Rail Transit Authority (LRTA) magiging madali sana ang pagkukumpuni ng pintuan kung nagsibaba lamang kaagad ang mga pasahero.

Hindi aniya puwedeng magkumpuni ang maintenance team ng LRTA ng kahit saan na lamang istasyon o lugar kung kaya’t  nakadagdag sa pagka-antala ng biyahe ang pagtanggi ng mga pasaherong bumaba muna ng train.

Napag-alaman na pasado alas-8 ng umaga nang magsimulang magkaroon ng problema ang pintuan ng train kaya’t bumagal ng hanggang limang kilometro bawat oras ang takbo ng ilang mga kasunod pang train na patungong Monumento.

Tiniyak naman ng pamunuan ng LRTA na hindi naman palagian at “isolated cases” lamang ang nangyaring pagpalya ng sistema kaya’t makakaasa ang libu-libong pasaherong tumatangkilik sa pinakamabilis, pinakamura at pinakaligtas na uri ng pampublikong transportasyon na magiging maayos pa rin ang ibibigay nilang serbisyo.

AYON

KRISTINA CASION

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MONUMENTO

NAANTALA

NAPAG

TAYUMAN STATION

TINIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with