^

Metro

Parak tiklo sa P20-milyong cocaine

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng PNP-Anti-Illegal Drug Special Operation Task Force (AID-SOTF) ang isang intelligence operative ng Aviation Security Group (AVSEGROUP) maka­raan makumpiskahan ito ng 4 na kilo ng cocaine na nagka­kahalaga ng P20-M sa isina­gawang drug-bust operation sa Pasig City nitong Martes ng gabi, ayon sa opisyal ka­hapon.

Kinilala ang naarestong suspect na si SPO1 Alexan­der Palara Estabillo, nakata­laga sa AVSEGROUP at residente ng Mayapis St., San Antonio Village, Makati City.

Sa isinumiteng report ni Supt. Ismael Fajardo, AID-SOTF, SOU (Special Opera­tions Unit)-3, dakong alas- 11:15 ng gabi nang  isagawa ang buy-bust operation sa tapat ng isang drug store sa Las Fiestas Drive Frontera Verde, Brgy. Ugong sa lung­sod ng Pasig.

Bago ang pagkakadakip sa suspect ay nagsagawa ng masusing surveillance ope­rations ang PNP-AIDSOTF operatives laban sa illegal nitong aktibidad.

Nasorpresa naman ang sus­pect sa raid na nagtang­kang tumakas pero naging maagap ang mga operatiba at agad itong pinosasan.

Nakumpiska sa suspect ang  4 kilo ng cocaine na tina­tayang may katumbas na ha­lagang  P20 milyon, 1 Glock 17, 2 magazine, paper bag na naglalaman ng boodle money na nagkakalaga ng P6 milyon.

Ang  suspect ay dinala sa Camp Crame at isinailalim  sa masusing imbestigasyon ha­bang dinala ang nasam­sam na mga ilegal na droga sa PNP-Crime Laboratory upang maisailalim sa pagsu­suri.

Naghihinala naman ang mga awtoridad na ang na­kum­piskang cocaine sa suspect  ay kabilang sa 2 to­ne­­ladang droga na itinapon ng mga tripulanteng Chinese sa karagatan ng Samar noong Disyembre 2009.

Patuloy naman ang pina­lakas na anti-drug operations ng PNP sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

AVIATION SECURITY GROUP

CAMP CRAME

CRIME LABORATORY

DRIVE FRONTERA VERDE

DRUG SPECIAL OPERATION TASK FORCE

ISMAEL FAJARDO

MAKATI CITY

MAYAPIS ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with