^

Metro

DepEd officials, nag-ikot sa mga paaralan sa Quezon City

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Personal na nag-ikot ang mga opisyales ng Department of Education(DepEd) sa mga paaralan sa Quezon City ka­hapon ng umaga sa pangu­nguna ni Secretary Mona Valisno upang matiyak na ma­ayos ang sitwasyon ng mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan ng mga estudyante nitong Lunes.

Kaugnay nito, sinabi ni Secretary Valisno na duma­law sa Don Alejandro Roces High School sa Bgy. Roxas District, QC, walang dahilan ang mga guro na magprotesta para igiit ang pagtataas sa kanilang sahod at mas ma­inam na gawin na lamang ang kanilang mga tungkulin sa mga mag-aaral.

Binigyang diin ni Valisno na ipatutupad aniya sa su­sunod na buwan ng Hulyo ang dagdag sahod ng mga guro sa mga public schools bukod pa sa P200 initial allowances.

Sa ngayon ay umaabot sa P14,198 ang sahod ng bawat guro at magiging P16, 189 sa susunod na buwan.

Kaugnay nito, inanunsiyo din ni Valisno na tutulong din ang pamahalaan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag­kakaloob ng financial assistance na P10,000 kada estudyante sa mga probinsiya at P5,000 kada mag-aaral sa Metro Manila.

Ilang mga paaralan naman sa QC tulad ng sa Bagong Si­la­ngan ang halos may 100 mag-aaral sa isang klase na iisa lamang ang guro at ang iba pang mga paaralan ay  limang oras lamang ang pasok ng mga estudyante upang maipatupad ang shift­ing ng klase dahil sa dami ng mga mag-aaral na puma­sok ngayong pasukan.

Una nang nagbanta ang Alliance of Concerned Teach­ers (ACT) na sasalubungin ang unang araw ng klase para igiit sa pamahalaang Aquino na resolbahin ang mga prob­le­­mang di nasolosyunan ng pa­mahalaang Arroyo tulad ng ka­kulangan sa mga guro, silid ara­lan, libro at pagtataas ng sa­hod sa mga guro upang ma­pa­ hu­say ang kalidad ng edu­kasyon sa bansa.

ALLIANCE OF CONCERNED TEACH

BAGONG SI

DEPARTMENT OF EDUCATION

DON ALEJANDRO ROCES HIGH SCHOOL

KAUGNAY

METRO MANILA

QUEZON CITY

ROXAS DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with