Confinement kay Andal, Sr., 'di na kailangan - korte
MANILA, Phillipines - Inimpormahan na ng pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) ang Quezon City Court na hindi na kailangan pang i-confine sa pagamutan si Maguindanao mas sacre suspect Andal Ampatuan, Sr.
Una nang pinaboran ni QC Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang kahilingan ni Andal, Sr. para sa isang medical check-up matapos lumabas sa latest check-up na ito ay dumaranas ng chronic obstructive pulmonary disorder, isang lung disease sa mga mahilig manigarilyo.
Gayunman, nitong Hunyo 11, 2010, sumulat kay Judge Solis-Reyes si PGH Director Rolando Enrique Domingo na nagsasabi na lumabas sa kanilang findings sa medical examination na ginawa kay Andal, Sr. noong Hunyo 8 na hindi na nito kailangan na ma-confine.
Gayunman, sinabi ni Domingo na maaari namang ma-evaluate si Andal Sr. sa pagamutan kung may iba pa itong problema sa kundisyon ng kanyang kalusugan.
Sinasabi ni Andal, Sr. na dumaranas din siya ng high blood pressure at diabetes dahil hindi maayos ang kanyang kondisyon sa loob ng selda sa Camp Bagong Diwa, Taguig dahil sa sobrang init doon at nahihirapan itong makahinga.
Sa tatlong pahinang report kay Domingo ni Pulmonary Critical Specialist Dr. Jubert Benedicto, sinabi nitong ang pulmonary condition ni Andal, Sr. ay hindi nagdudulot ng hirap sa paghinga at sa iba pang karamdaman na sinasabi ng akusado.
- Latest
- Trending