Bangkay ng lolo, iniluwa ng Manila Bay

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang matandang lalaki ang natagpuan sa baybayin ng Manila Bay, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakasuot ng beige na polo shirt, itim na pantalong slacks ang biktima na nasa pagitan ng edad na 60-65 anyos, ayon sa pagsasalarawan ng pulisya.

Sa ulat ng Pasay police, dakong alas-7:15 ng gabi nang madiskubre ang bang­kay ng biktima sa breakwater ng Manila Bay malapit sa Cul­tural Center of the Philip­pines Complex. Unang nakita ang bangkay ng tennis trainer na si Christopher Miranda habang umiihi ito sa breakwater.

Kaagad na ipinabatid ni Miranda sa mga nagpapatrul­yang pulis sa naturang lugar ang nakitang bangkay hang­gang sa maiahon ng mga nag­­respondeng tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO). Wala umanong bakas ng anumang sugat sa katawan ang biktima, maliban sa ilang mga gasgas sa kamay na posibleng kumayod sa mga batuhan. Patuloy naman ang pagkilala ng pu­lisya sa bik­tima.

Show comments