^

Metro

Obrero pinosas, tinodas ng mag-utol

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinosasan muna bago tulu­yang pagbabarilin at saksa­kin ng magkapatid ang isang construction worker na agad nitong ikinasawi sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Inspector Benjamin Elenzano, hepe ng homicide Investigation section ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Bernie Fajardo, 31, ng Sitio Pajo, Area 5, Brgy. Baesa, sa lungsod.

Ayon kay Elenzano, si Fajardo ay nagtamo ng mga tama ng bala at mga saksak sa katawan sa naturang insidente na naganap dakong alas-5:20 ng umaga sa kaha­baan ng Sitio Pajo sa Brgy. Baesa.

Ang biktima ay nagawa pang isugod ng kanyang pinsang si Wilbert Fajardo sa Quezon City General Hospital (QCGH) pero nasawi din habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor.

Sinabi ni PO3 Jaime Ji­mena, may-hawak ng kaso, bago tuluyang malagutan ng hininga, nagawa pang ma­sabi ng nasawi sa kanyang mga kaanak kung sino ang may ka­gagawan sa krimen at binang­git nito ang magka­patid na sina Steve at Valen­tin Reyes, kapwa residente sa Block 5 Lot 13 Asamba Com­pound, Brgy. Baesa.

Nabatid ni Jimena na si Fajardo ay nagtatrabaho sa construction site sa bahay ng biyenan ni Valentin.

Samantala, bago ang krimen, nagsampa umano ng reklamo sa barangay ang magkapatid nitong June 10 matapos na akusahan nila ang biktima na nagnakaw ng bakal na ginagamit sa construction.

Subalit, agad namang na­ayos ang reklamo sa  ba­rangay pero hindi na pina­yagan pa si Fajardo na makabalik pa sa kanyang trabaho.

Sa kanyang huling pana­nalita, sinabi ng biktima na naglalakad siya sa may kaha­baan ng Sitio Pajo nang su­mul­pot ang magkapatid at kinausap siya hanggang bigla na lamang siyang po­sasan ng mga ito at pagsa­saksakin. 

Hindi pa nakuntento, isa sa mga suspects ang nag­bunot ng baril at pinagbabaril ang biktima.

Matapos nito ay mabilis na tumakas ang mga suspect, habang si Fajardo naman ay nakita ng kanyang pinsan at itinakbo sa nasabing ospital.

Tinutugis na ng awtoridad ang nasabing mga suspect upang sagutin ang nasabing alegasyon.

ASAMBA COM

BAESA

BERNIE FAJARDO

BRGY

CHIEF INSPECTOR BENJAMIN ELENZANO

FAJARDO

JAIME JI

SHY

SITIO PAJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with