Residente ng MM, pinagtatanim ng puno konta sa baha
MANILA, Philippines - Pinaigting pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang panawagan sa mga taga-Metro Manila na magtanim ng puno upang hindi na maulit ang nakapanlulumong trahedya na dulot ng bagyong Ondoy noong nakaraang taon.
Ayon kay MMDA general manager Robert Nacianceno, nag-umpisa na rin silang magtanim ng mas maraming puno at mga halaman sa mga center island at iba pang pampublikong lugar na inaasahan nila na makakatulong sa pagsipsip sa tubig-baha na inaasahan ng pamahalaan na muling magaganap.
Bukod dito, nakiusap rin ang MMDA sa mga residente ng kamaynilaan na pairalin ang disiplina sa pamamagitan ng hindi pagtatapon ng kalat kung saan-saan at maayos na paglalabas ng kanilang basura na pinipik-ap ng mga trak ng basura.
Aniya, pag-iibayuhin pa nila ang kanilang anti-lit tering campaign at makikipagkoordinasyon sa mga LGUs dahil 70 porsyento lamang ang kanilang pagiging epektibo sa pagpapatakbo ng mga pumping station.
Handa na rin umano ang MMDA sa pagresponde sa iba pang trahedya tulad ng mga “landslides, mudslides”, lindol at sunog. Nakatakdang dumating na ang mga binili nilang 24 na “fiberglass” na bangka, apat na rescue boats, at 100 rubber boats.
- Latest
- Trending