Holdaper sa jeep, todas sa secret marshal

MANILA, Philippines - Nakapuntos na ang ikina­lat na secret marshals ng Manila Police District (MPD) sa mga lugar na madalas maganap ang holdapan makaraang ma­patay ang isa sa tatlong suspect sa bigong pang­hoholdap sa mga pasa­hero, kahapon ng mada­ling-araw, sa Sta. Cruz, Maynila.

Inaalam pa ang pagkiki­lanlan ng nasawing holda­per, na inilarawan sa edad na 30 hanggang 40, may taas na 5’4 hanggang 5’5; may mga tattoo kabilang ang “Batang City Jail” at “Popoy” sa kanang hita at dibdib.

Mabilis na nakatakas ang dalawa pang lalaking suspect na magka-angkas sa walang plakang motor­siklo, habang narekober naman ang dala­wang paltik na kalibre .38 baril na hini­hi­na­lang gamit ng mga suspect.

Nabatid kay Supt. James Afalla, hepe ng MPD-Station 3, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng mada­ling-araw, sa panulukan ng Tayuman at Seve­rino sts., Sta. Cruz, Maynila.

Sa pahayag ng pasahe­rong si April Novelas, da­lawa sa tatlong suspect ang sumakay ng kina­lululanan niyang biya­heng Tayuman-Herbosa (NWV-727), at umupo sa dulong ba­hagi ang isa at tinutukan umano ang isang pasahero ng baril, habang ang isa pa ay may hawak ding baril at kinuko­lekta ang mga dalang cell­phone at gamit ng pasa­hero.

Habang mabilis ang mga pangyayari, dalawang pulis na nakasuot sibilyan ang magka­sa­mang naka­sakay sa dyip, isa ang nasa dulong bahagi at katapat ng isang suspect ang bu­munot ng kaniyang baril at agad na pinutukan ang isa.

Mabilis namang tuma­lon ang isa pang suspect, na nakita na lamang na suma­kay sa nakabuntot na motor­siklong walang plaka.

Naiwan sa dyip ang du­guang suspect at dalawang baril na parehong fully-loa­ded ng bala habang isinu­god ng isang secret mar­shal sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang suspect, kung saan idi­nek­larang patay ilang mi­nuto mata­pos dalhin doon.

Habang nasa dyip ang dala­wang pulis, sinabi nila na pauwi na sila ng bahay nang pareho silang suma­kay sa pampa­saherong dyip at nag­kataon lamang na naka-eng­kwentro ang mga arma­dong holdaper.

Show comments