Panibagong kaso ng libel vs ina ni Hayden Kho, isinampa

MANILA, Philippines - Nahaharap sa isa pang kaso ng libel ang ina ni Hayden Kho na si Mrs. Irene Kho.

Si Mrs Kho ay nakakalaya ngayon sa piyansang P10,000 dahil sa 2 counts ng kasong libel na isinampa dito ng aktres na si Katrina Halili matapos sabihin nito na ang aktres ang nagturo sa kanyang anak na si Hayden na gumamit ng bawal na gamot.

Sa isang apat pahinang resolusyon na inaprubahan ni Cavite Provincial Prosecutor Emmanuel Velasco, napatu­nayan nilang may probable cause upang kasuhan si Mrs. Kho ng kasong libel na isi­nam­pa naman dito ng bodyguard ni Halili na si Omar Sortijas.

“The resolution was issued for quite some time, so it is possible that the information (against Mrs. Kho) was already filed before the court. We still have to check at the Cavite court,” pahayag ni Atty. Raymung Palad, abogado ng aktres at ni Sortijas .

Sinampahan ng kasong libel ni Sortijos, ng Rosario, Cavite sa naturang munisipa­lidad si Mrs Kho nang ihayag nito sa isang TV interview noong Mayo 25, 2009 na ang kanyang anak ay naipakilala ni Halili sa isang drug user at sinabing ang aktres umano ay kumukuha ng suplay na droga mula kay Sortijas.

Ayon sa korte, ang sinabi ni Mrs. Kho ay lubhang naka­kasira sa pagkatao ng isang indibidwal at kinakiki­taan ng malisya kayat maaari itong kasuhan.  

Show comments