^

Metro

Van vs motorsiklo, PSG agent dedo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang sinasabing confidential agent ng Presidential Security Group (PSG) makaraang banggain ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang closed van, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Namatay kaagad ang 37-anyos na biktimang si Roy Evangelista, residente ng Blk. 2 Lot 5 Sarino Compound, TS Cruz Subdivision, Las Piñas City sanhi ng grabeng pinsalang tinamo niya sa ulo at iba pang parte ng katawan.

Agad namang sumuko ang driver ng Isuzu Elf van (RJP-576) na si Aniceto Basada, 28, ng Miguel Mojica, Mendez, Cavite makaraan ang insidente.

Sa ulat ng Pasay City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa West Service Road malapit sa Sucat. Lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo (6992 TA) nang bumangga sa kasalubong na van.

Tumilapon ang biktima sa kalsada at humampas ang ulo nito sa semento sanhi ng pagkakabagok. Sa kabila na may dalang helmet, hindi naman ito suot ng biktima. Iginiit naman ni Basada na nasa tamang lane umano siya at ang motorsiklo ang sumalu­bong sa kanya sanhi upang mabangga niya ito.

Ilang mga testigo ang nagpahayag sa pulisya na madulas umano ang daan kaya posibleng nakabig pakaliwa ng biktima ang motorsiklo na naging dahilan upang masalubong ang paparating na van.

vuukle comment

ANICETO BASADA

CRUZ SUBDIVISION

ISUZU ELF

LAS PI

MIGUEL MOJICA

PASAY CITY

PASAY CITY TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

ROY EVANGELISTA

SARINO COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with