^

Metro

Mister sinaksak na, nabundol pa

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Doble kamalasan ang inabot ng isang 52-anyos na mister matapos na masaksak at pagkatapos ay nabundol pa ng isang tricycle na siyang dahilan upang bawian ito ng buhay sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Si Pablo Tumapat, may-asawa ng Don Enrique Subdivision, Brgy Captain Nova, sa lungsod ay nasawi sa Quezon City General Hospital bunga ng saksak sa likod at dibdib at pagkabasag na­man ng ulo nito dahil sa pag­kaka­bangga ng isang tricycle.

Ang driver ng tricycle na si Limuel Tindoy, 41, ng Sam­paloc St., Bagumbong, Ca­loo­can City ay nasa kustodiya naman ng Traffic Sector 2 ng Quezon City Police.

Sa ulat ni PO3 Ferdinand Pagkalinawan ng TS-2, nang­yari ang insidente sa kaha­baan ng General Luis corner Don Enrique Subdivision, Brgy. Nagkaisang Nayon ganap na alas-6 ng umaga.

Diumano, habang tinata­hak ng suspect sakay ng pina­pasada niyang tricycle (UX-1199) ang lugar nang bigla na lamang sumulpot ang biktima papatawid sa lugar at ma­bundol ito.

Nang bumuwal ang bik­tima, mabilis na tinulungan ito ng driver at isinakay sa kan­yang tricycle saka dinala sa QCPH kung saan napag-ala­man na may saksak ito sa katawan.

Tinangka pang isalba ng mga doktor ang biktima, ngunit makalipas ang halos dalawang oras na gamutan ay tuluyang ideklara itong patay.

Ayon sa pulisya, posibleng naging biktima muna ng pagnanaksak si Tumapat, at tumatakas ito kung kaya huma­ hangos na tumatakbo, bago nabundol naman ng tricycle.

Pansamantala, ayon sa imbestigador, kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampa nila laban sa driver.

vuukle comment

BRGY CAPTAIN NOVA

DON ENRIQUE SUBDIVISION

FERDINAND PAGKALINAWAN

GENERAL LUIS

LIMUEL TINDOY

NAGKAISANG NAYON

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE

SHY

SI PABLO TUMAPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with