MANILA, Philippines - Isang inmate sa Manila Police District-Integrated Jail ang namatay matapos na atakihin sa puso kamakalawa ng hapon sa Maynila.
Dakong alas-5 ng hapon nang manikip ang dibdib ni Jose Gregorio na nakakulong sa kasong attempted murder, malicious mischief, illegal possession of deadly weapon at paglabag sa Omnibus Election Code
Si Gregorio ay kinasuhan nina Manny Juan, nakatalaga sa City Security Force, Reyjan Ramoran at Alberto Banares, mga security guard ng Gat Andres Bonifacio Hospital at Pamela Mae Tanhueco, 21, nurse ng Gat Andres Bonifacio Hospital.