^

Metro

Pekeng parak huli sa kotong

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Naglakas-loob na mag­sum­­ bong ang isa sa ‘kuliglig’ (improvised bicycle na may- side car) driver na madalas ma­­biktima ng pangongotong, na nagresulta sa pagkaka-aresto sa isang nagpapang­gap lamang na pulis sa isina­gawang entrapment operation ng Manila Police District-General Assignment Section, sa Tondo, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Sa pangunguna ni C/Insp. Marcelo Reyes, inaresto ang suspect na diumano’y nagpa­ki­lalang si PO2 Jose Magpan­tay at nadiskubreng isa la­mang palang civilian volun­teer ng MPD-station 2, at stay-in sa Moriones Police Station.

Ayon kay Reyes, inakala nilang totoong pulis ang ini­re­reklamo sa pangongotong at nang isagawa ang operas­yon ay nadiskubre nilang pekeng pulis ito. Una umanong dumu­log ang complainant na si Re­xie­lyn Belza kay (Ret.) Colo­nel Carlos Baltazar, hepe ng De­partment of Public Safety (DPS) upang mapa­laya ang tiyuhin niya na si Jaime Bar­rien­tos, na dinakip ni Mag­pan­tay at na-impound pa umano ang kuliglig dakong alas-2 ng hapon, sa Tabora St., kahit walang violations na nagawa.

Nang makiusap umano si Belza ay ipinatutubos ang tiyu­hin nito at ang kuliglig sa hala­gang P500 at hindi na kakasuhan.

Nadakip si Magpantay nang tanggapin niya ang P500 mula kay Belza sa Asun­cion-PCP, kung saan nalaman ng grupo ng MPD-GAS sa mga lehitimong naka­talagang pulis doon na hindi pulis si Magpantay, kundi bodyguard o alalay lamang ng isang opisyal doon.

Narekober kay Magpantay ang isang 9mm Armscor pistol kaya nahaharap siya sa mga kasong robbery extortion, usur­pation of authority at pag­labag sa omnibus election code, dahil ngayong araw pa lamang (Hunyo 10) ganap na ili-lift ang Comelec gun ban.

BELZA

CARLOS BALTAZAR

JAIME BAR

JOSE MAGPAN

MAGPANTAY

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MARCELO REYES

MORIONES POLICE STATION

PUBLIC SAFETY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with