Driver ng anak ng hari ng Qatar, gulpi sa holdap

MANILA, Philippines - Binugbog at hinoldap ang driver ng anak ng hari ng ban­sang Doha, Qatar ng limang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang bugbog saradong biktima na si Raul Cruz, 47, taga Binangonan, Rizal.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Caloocan City Police laban sa limang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa Letre ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na nagpapahinga sa isang upuan sa bang­keta sa nabanggit na lugar ang biktima, nang lapitan ng mga suspek at holdapin. Nanlaban ang biktima na naging dahilan upang pagtu­lungan itong bugbugin at nang hindi na makagulapay ang biktima ay kinuha ng mga suspek ang pitaka nito na nagla­laman ng P5,000 at mga ID.

Matapos magpagamot ng bukol at pasa ay nagsadya sa presinto ang biktima upang ipaalam ang pangyayari. Nabatid na umuwi ng bansa ang biktima upang ayusin ang ilang papeles nito.

Show comments