^

Metro

Mag-asawang tulak, timbog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kapwa binitbit  sa presinto ang mag-asawang sinasabing kabilang sa talaan ng most wanted ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) dahil sa matagal nang pagtu­tulak ng iligal na droga, matapos ang isang buy-bust operation, sa Quiapo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. James Afalla ang mga suspect na sina Estrelita Batoquinas, 49 at live-in partner nitong si Ricardo Saliente, 42, kapwa residente ng #24 Oscares St., Quiapo, Maynila.

Ani Afalla, madulas umano ang dalawa kaya hindi madakip ng mga awtoridad  sa ilang taon na nilang pagbebenta ng iligal na droga.

Nabatid na kumagat ang dalawang suspect sa ipinain ng poseur-buyer na si PO3 Renato Gregorio, kaya’t habang hawak ang marked-money na nagkakahalaga lamang ng P200 inaresto  ang dalawa, dakong alas-9:30 ng gabi sa C. Palanca St., tapat ng Quinta market.

vuukle comment

ANI AFALLA

DRUG ABUSE COUNCIL

ESTRELITA BATOQUINAS

JAMES AFALLA

KAPWA

MAYNILA

OSCARES ST.

PALANCA ST.

RENATO GREGORIO

RICARDO SALIENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with