Wanted sa murder, arestado

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 18-anyos na binata na wanted sa kasong murder nang inguso ng kapitbahay ang pagbabalik niya sa lugar matapos ang mahigit isang taong pagta­tago, sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Manila Regional Trial Court, Branch 5, Judge Amor Reyes, ina­resto ng mga tauhan ng Manila Police District-Warrant Section ang suspect/akusa­dong si Patrick Serrano, ng #1612 Concha Sevilla St., Tondo sa pamamaslang sa isang Narciso Caballera, 18, noong Enero 9, 2009 sa Peñalosa St., Tondo.

Agad umanong nagtu­ngo ang mga pulis sa lugar ng suspect at naabutan itong kampante na nagla­lakad kaya binitbit ito sa MPD head­quarters.

Sa rekord, napatay ni Serrano si Caballera noong Enero 2009 nang abangan umano at walang sabi-sabing barilin na ikinasawi nito.

Dahil sa inakala umano ni Serrano na hindi na umuusad ang kaso laban sa kanya, umuwi ito ng kanyang taha­nan subalit may nagbigay ng impor­masyon sa pulisya na na­mataan muli siya sa lugar.

Show comments