^

Metro

Bagsak kasi sa physical exam: 231 pulis 2 buwang mag eexercise

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Mahigit sa 200 pulis na bumagsak sa nakaraang “Graded Physical Fitness Test (GPFT)” ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang itatalaga sa Camp Bagong Diwa upang dalawang buwang mag-ehersisyo.

Sa nakaraang 2010 1st semester ng GPFT, may 231 pulis (opisyal at non-commission) ang bumagsak.  Inirekomenda ni NCRPO chief, Director Roberto Rosales  sa Philippine National Police sa pamamagitan ng isang memorandum na i-relieve ang mga ito sa kani-kanilang puwesto, at ire-assign sa NCRPO para sumailalim sa dalawang buwang “re-training”.

Kasama rin sa isasailalim sa muling pagsasanay ang mga pulis na hindi pinayagang sumailalim sa eksaminasyon sa dalawang magkasunod na pagkakataon dahil sa problema sa kalusugan at medical na rason.

Layon umano ng 2 buwang physical program ang palakasin ang kalusugan ng mga pulis upang makapasa na sa mga su­sunod na GPTS.  Pamamahalaan ang programa ng Regional Plans and Training Division (RPTD) at Regional Health Service (RHS). Sasailalim naman umano sa “medical examination” bago sumailalim sa ehersisyo ang mga pulis at tamang “dietary program”. Kung mabibigo na makapasa sa naturang programa, mana­natili pa rin umano dito ang isang pulis hanggang sa tuluyang gumanda na ang kalusugan nito at makapasa na rin sa GPFT.

CAMP BAGONG DIWA

DIRECTOR ROBERTO ROSALES

GRADED PHYSICAL FITNESS TEST

INIREKOMENDA

KASAMA

LAYON

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REGIONAL HEALTH SERVICE

REGIONAL PLANS AND TRAINING DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with