47-anyos na abortionist huli sa akto
MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang isang 47-anyos na abortionist makaraang mahuli ito sa akto habang nagsasagawa ng iligal niyang gawain sa isang ginang sa ginawang pagsalakay sa tahanan nito sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Nakapiit ngayon sa himpilan ng La Loma Police Station 1 ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Marilyn Torres, 47, ng #27 Gitna St., Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson ng nasabing lunsod.
Samantala, nagawa pang maisugod sa Quezon City General Hospital (QCGH) ang biktimang si Catherine, 22, ng Gana Compound, Brgy. Unang Sigaw sa lungsod para isalba ang bata ngunit ayon sa awtoridad nabigo na ring mabuhay ito.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang pagsalakay ng pinagsanib ng grupo nina Brgy. Admin Cheche de Jesus, Brgy. Police Security Officer (BPSO) Romy Feniza at Julius Cardenas, Brgy. Health Worker Susana Santos at Carmelita Palacol ng Violence Against Women Brgy. Apolonio Samson.
Sinasabing natukoy ang iligal na gawain ni Torres matapos na isang concerned citizen ang tumawag sa barangay at ipinabatid ang nagaganap na abortion sa bahay nito.
Dahil dito, agad na pumorma ang nasabing grupo at sinalakay ang tahanan ni Torres ganap na ala-1:30 ng hapon kung saan naaktuhan ito na nagsasagawa ng abortion sa biktima.
Narekober din sa tahanan ang ilang paraphernalias na ginagamit nito sa operasyon.
Matapos ito ay agad na itinurn-over ng barangay ang suspect sa Police station 1 ng QCPD habang isinugod naman ang biktima sa naturang ospital.
- Latest
- Trending