MANILA, Philippines - Isang lalaki ang binaril at napatay ng hindi pa kilalang mga suspect, habang nakatayo sa United Nations Avenue sa Maynila, kamakalawa ng gabi.
Hindi pa tiyak ng Manila Police District-Homicide Section kung ang nakuhang sedula sa katawan ng biktima na may pangalang Joey Gerry Jordan, ang siyang pagkilanlan sa nasawi, 5’4 ang taas, may bigat na 57 kilos at address na Jelicuon, Cabatuan, Iloilo City.
Sa inisyal na ulat malapitang binaril ang biktima ng suspect sa may UN Avenue at kanto ng Perez St. sa Ermita, Maynila, dakong alas-9:20 ng gabi ng Lunes at saka sumakay sa naghihintay na di-naplakahang sasakyan at sumibad.