Decentralization, patuloy na pagbabago sa BI pinuri ni SB

MANILA, Philippines - Pinuri ni Quezon City Mayor at congressman elect- Sonny Belmonte ang patuloy na pagbabago sa Bureau of Immigration na nagpadali sa mga dayuhan na mag­proseso ng visa at mas maging magaan ang pananatili sa Pilipinas para magnegosyo at magbakasyon.

Sa kanyang speech na naging tampok ng inagu­rasyon ng BI satellite office sa QC, binanggit ng local chief executive na sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Marcelino Libanan, matagumpay na na-decentralize ng BI ang operasyon nito mula sa main office sa Intramuros, Manila patungo sa mga satellite offices sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at iba pang lugar kung saan maraming dayuhan ang nakatira.

Ipinunto rin ng alkalde ng pinakamalaking siyudad sa bansa na ang mga pagbabagong sinimulan ni Libanan tulad ng pagbawas sa processing time at documentary requirements ng mga dayuhang nais pumasok sa Pilipinas o magpalawig ng pananatili sa bansa ay gumawa ng mala­ king impact hindi lang sa mga dayuhan kundi sa imahe ng Pilipinas bilang tourists at investors-friendly na bansa.

Sa mga nasabing pagbabago, naging madali para sa mga dayuhan na magproseso ng papeles, na nagresulta sa mas malaking kita para sa pamahalaan mula sa visa fees.

Ayon kay Libanan, layon din ng census na matiyak na libre ang Pilipinas sa anumang undesirable foreigners, lalo na ang traffickers at terrorists.

Noong nakaraang taon, pumanglima ang BI sa pinalawak na listahan ng 177 government agencies, patunay lang na hindi nanghinawa ang ahensiya sa sinimulang giyera ni Libanan laban sa katiwalian.

Show comments