Taxi driver binoga ng pasahero

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang taxi driver makaraang pagbabarilin ito ng isang hindi nakilalang lalaki na sinasabing pasahero nito, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Patuloy na inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital sanhi ng tinamong dalawang tama ng punglo sa tiyan at kanang braso ang hindi pa nakikilalang biktima na driver ng Sar-Quez taxi (PVP-200).

Sa imbestigasyon ng Pasay police, naganap ang pamamaril dakong alas-9:40 ng gabi sa kahabaan ng Cuneta Avenue sa kanto ng Park Avenue sa naturang lungsod. Ayon sa mga nakasaksi, nakita na lamang nila ang biktima at ang suspek na nagpapambuno sa loob ng taxi.

Ilang sandali pa ay bigla na lang umanong umali­ngawngaw ang tatlong sunud-sunod na putok ng baril mula sa loob ng taxi hanggang sa makitang nagmamadaling bumaba ang lalaking pasahero bitbit ang baril.

Tiyempo umanong may napadaan na isang motorsiklo Honda Wave 100 na walang plaka at pina­ putukan ng suspek ang sakay nito na si Leo­nardo Marin na masuwerteng hindi tinamaan. Ina­gaw naman ng naturang suspek ang motor­siklo na siyang ginamit nito sa pagtakas.

Show comments