^

Metro

Surplus collection muling naitala ng Port of Manila

-

MANILA, Philippines - Muling nalampasan ng Port of Manila ang collection target nito para sa buwan ng Mayo.

Ayon sa report ng Financial Service ng Bureau of Customs, naka­ko­lekta ang Port of Manila sa pangunguna ni District Collector Atty. Rogel Gatchalian ng P4.39 bilyon bukod pa ang non-cash collections noong nakaraang bu­wan. Ito ay lampas ng P174 milyon sa target collection ng Port of Manila, ang pangalawang pinakamalaking port sa bansa base sa revenue collection.

Ito na ang ikalimang magkakasunod na bu­wan na nalampasan ni Gatchalian, nagsimulang maging district collector ng Port of Manila noong nakaraang Nobyembre lamang, ang kanyang collection target.

Base pa rin sa report ng Financial Service, ang Port of Manila ang nag­tala ng pinakamataas na surplus collection sa 17 collection districts ng Cus­toms sa taong ito. Nakakolekta na ang Port of Manila ng kabuuang P21.8 bilyon habang ang target lamang nito ay P16.6 bilyon, na nanga­ngahulugan ng P5.2 bilyon na surplus.

Halos ang Port of Manila lamang ang kuma­yod nang todo-todo sa taong ito dahil ang P5.2 bilyon ay 87 porsiyento ng kabuuang collection surplus ng BOC mula Enero hanggang Mayo.

Malaki ang iginanda ng performance ng Port of Manila simula ng maitalaga ang abogado at engineer na si Gat­chalian, na siya ring pi­nakabatang Customs collector sa kasalu­kuyan, dahil sa mga ipinatupad niyang mga bagong istratehiya.

BUREAU OF CUSTOMS

COLLECTION

DISTRICT COLLECTOR ATTY

FINANCIAL SERVICE

MANILA

PORT

PORT OF MANILA

ROGEL GATCHALIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with