Duelo: 1 patay, 1 sugatan
MANILA, Philippines - Isang binatilyo ang nasawi, habang isa ang nasugatan makaraang magduelo dahil lamang sa asaran matapos na magkasalubong sa isang kalsada sa lungsod Quezon kamakalawa.
Dead-on-arrival sa ospital sanhi ng mga saksak sa buong katawan ang biktimang si Dandy Albuera, ng Purok I-A, Luzon Avenue, Brgy. Culiat sa lungsod.
Habang ang k-duelo nitong si Arnel Aranillo, 18 na naninirahan din sa nasabing barangay ay inoobserbahan pa sa naturang ospital.
Ayon sa ulat nangyari ang duwelo sa may 1st St., Brgy. Holy Spirit ganap na alas-8 ng gabi habang naglalakad ang nasawi kasama ang kanyang half brother na si Larbie Montecalvo patungo sa bahay ng kanilang ina sa Luzon Avenue nang masalubong nila ang grupo ni Aranillo.
Biglang nagbitaw ng pang-aasar si Aranillo kay Albuera na nagresulta sa mainitang pagtatalo.
Sa pagtatalo ay nagpasya ang dalawa na magduelo kasabay ng kapwa pagbunot ng dalang patalim at nagsaksakan.
Sa ilang segundong palitan ng saksak ay kapwa sugatan ang dalawa kung saan nagpasya ang suspect na tumakbo papalayo, pero hinabol pa ito ng sugatang si Albuera.
Ngunit, isa sa kasamahan ni Aranillo ang sumunod kay Albuera at ito naman ang sumaksak sa kanya sa katawan.
Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya hingil sa insidente upang matukoy ang isa pang salarin.
- Latest
- Trending