^

Metro

Kristo sa subungan dedo sa mag-utol

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinagtulungang bugbugin hanggang sa ma-patay ang isang kristo sa isang tupadahan ng dalawang magkapatid na nagalit dito dahil sa pagka-talo ng kanilang tinaleng manok, kama-kalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Nasawi habang ginagamot sa Las Piñas Me-dical Center ang biktimang nakilalang si Jacinto dela Pena, 44, ng Block 9 Lot 6 Ilang-Ilang Exten-sion, Brgy. Almanza Dos, ng naturang lung-sod. Nabatid na nagtamo ang biktima ng napakaraming pasa sa katawan at pagkabagok sa ulo na sanhi ng kamatayan nito.

Pinaghahanap naman ngayon ang magka-patid na suspek na sina Rely at Desos Causing, kapwa nasa hustong gulang at naninirahan sa TS Cruz Subdivision, ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng Las Piñas police, naganap ang krimen dakong alas-5 kamakalawa ng hapon sa isang bakanteng lote na ginawang tupadahan sa may Phase 2 Camia St., sa loob ng TS Cruz Sub-division. Natalo umano ang manok ng magka-patid na Causing pati na ang malaking halaga ng perang ipinusta. Labis na nagalit ang magkapatid dahil sa akusasyon na hindi umano tama ang ibinigay na sintensya ni Dela Pena sa kanilang manok na kaya pa umanong lumaban.

Dahil sa pagkatalo, ibinunton ng magkapatid ang kanilang galit kay Dela Pena na umano’y inilaglag ang kanilang manok. Pinagtulungang bugbugin ng dalawa ang biktima hanggang sa bumagsak at mabagok ang ulo nito sa semento at tuluyang mawalan ng malay.

vuukle comment

ALMANZA DOS

BRGY

CAMIA ST.

CRUZ SUB

CRUZ SUBDIVISION

DELA PENA

DESOS CAUSING

ILANG-ILANG EXTEN

LAS PI

PINAGTULUNGANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with