^

Metro

Fixer sa 'Recto University', tiklo sa rape

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 44-anyos na umano’y ‘fixer’ sa tinaguriang ‘Recto University’ o diploma mill nang ireklamo ng kaniyang landlady kaugnay sa pangmomolestiya sa dalawa nitong anak na babae, Linggo ng gabi, sa okupado niyang silid, sa Sta Mesa, Maynila.

Ipinagharap ng reklamong 2 counts ng rape ang suspect na si Bienvenido Villamonte, binata, at residente ng Guadalcanal St., Old Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid sa reklamong idinulog sa tanggapan ni C/Insp. Anita Araullo ng Manila Police District-Women and Children Concern Division ng isang itinago sa pangalang “Aling Angie” , ina ng mga biktimang itinago sa pangalang “Kimi”, 2 anyos at “Dora”, 7 taong gulang, kamakalawa ng gabi, dakong alas -6:00 nang matuklasan niya ang sinapit ng dalawang anak sa kamay ng suspect.

Nagtaka umano ang ina nang ireklamo ni Kimi ang kaniyang kaselanan na masakit at mahapdi kaya inusisa ng ina hanggang sa ikuwento ng bata na ipinasok umano siya sa kuwarto ng suspect at doon ay hinubaran ng panty at ginamit umano ang daliri ng suspect sa pagtusok sa kanyang ari at matapos iyon ay binigyan umano siya ng P2.

Sa hindi inaasahan, nagsalita din si Dora na matagal na ring ganoon ang ginagawa sa kaniya ng suspect, sa tuwing pinapapasok umano siya sa silid nito mula noong Pebrero.

Agad namang humingi ng tulong sa kanilang barangay officials ang ina ng dalawang bata kaya agad na nadakip ang suspect, na naroon sa isa sa pinauupahang kuwarto ng pamilya ng biktima.

Nang bitbitin na sa pulisya, itinanggi ng suspect ang mga kuwento ng pangmomolestiya at depensa niya ay nilalaro lamang niya ang dalawang paslit.

ALING ANGIE

ANITA ARAULLO

BIENVENIDO VILLAMONTE

GUADALCANAL ST.

KIMI

MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN CONCERN DIVISION

MAYNILA

OLD STA

RECTO UNIVERSITY

STA MESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with