^

Metro

Manila dad, pabor sa sex education sa Grade 5

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila 3rd District Councilor Atty. Joel Chua na pabor siya na ituro na sa elementary ang sex education subalit hindi sa kinder na nais ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Chua, wala namang magagawa kung nais ng pamahalaan na ipatupad ang pagsasama sa subject ng elementarya subalit kailangan ang mahigpit na pagbabantay at limitasyon.

Sinabi ni Chua, na dapat na maipaliwanag ng pamahalaan kung hanggang saan ang dapat ituro at kung sino ang mga maaaring magturo ng sex education ng walang nilalabag na anumang batas.

Inamin din ni Chua na panahon na upang maging mulat ang mga elementary students upang maisip ng mga estudyante ang idudulot nito sa kaniila.

Mas mainam umano na ituro na lamang ang sex education sa paaralan sa halip na napapanood at nababasa pa ng mga estudyante lalo pat iba ang mga pagsasalarawan at paglalahad sa mga balita at kuwento sa mga babasahin at panoorin.

Aniya, masyadong bulgar ang mga gamiit na salita sa ilang mga pahayagan. 

ANIYA

AYON

CHUA

DEPARTMENT OF HEALTH

DISTRICT COUNCILOR ATTY

INAMIN

JOEL CHUA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with