Lolo lasog sa jeep

MANILA, Philippines - Patay ang isang 72-anyos na lolo matapos na mabundol ng isang pampasaherong jeepney habang tumatawid sa isang kalye sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Jose Rabe, ng Block 1, Lot 9, Diamond Drive St., Diamond Subdivision, Kaligayahan Novaliches sa lungsod.

Nasa kustodiya naman ng Traffic Sector 2 ng Quezon City Police ang nakabanggang driver na si Rodelio Moran, 25, ng Phase 8-A, Block 21, Lot 29, Package 11, Bagong Silang Caloocan City.

Nangyari ang insidente may Zabarte Road, sa harap ng Diamond Subdivision ganap na   alas-2:45 ng hapon.

Minamaneho umano ni Moran ang kanyang jeepney (PYZ-707) patungong Almar Avenue, nang pagsapit sa nasabing lugar ay mabundol nito ang biktima na papatawid naman dito.

Sa lakas ng impact, tumilapon ng ilang metro ang biktima, sanhi upang magtamo ito ng labis na pinsala sa katawan. Nagawa pang maitakbo ang biktima sa East Avenue Medical Center ngunit makalipas ang ilang oras ay nasawi rin ito.

Show comments