Miyembro ng 'Commando gang', itinumba

MANILA, Philippines - Patay ang isang 26-anyos na lalaking miyembro ng Com-mando Gang matapos na barilin at pagtulungang saksakin ng isang grupo ng mga lalaki sa loob ng palengke sa Tondo, Manila kahapon ng madaling-araw.

Hindi na nagawa pang ihatid ng biktimang si Berto Plana, 26, residente ng Gate 67, Area H, Parola Compound, Tondo, Manila, sa kanyang buntis na asawa ang biniling pagkain para dito, matapos na agad bawian ng buhay dahil sa tinamong isang tama ng bala sa likod at mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang apat hang-gang limang di nakilalang suspek na mabilis na nagpulasan matapos makitang duguan na ang biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa loob ng palengke sa Gate 17, Area H, Parola Compound, Tondo, Manila.

Bumibili umano ng pagkain ang biktima para sa kanyang asawang buntis, nang lapitan ito ng mga suspek. Mabilis umanong tumakbo ang biktima nang makaramdam ng panganib ngunit binaril ito sa likod ng isa sa mga suspek. Nang bumagsak ay sinugod na ito ng mga suspek at pinag-tulungang pagsasaksakin bago mabilis na nagsitakas.

Show comments